Ang Pagpili Ng Isang Komunidad

Susing Teksto: “Nang magkagayon, siya at ang kanyang dalwang manugang ay nagsimulang bumalik mula sa lupain ng Moab sapagkat kaniyang nabalitaan sa lupain ng Moab kung paanong dinalaw ni Jehova ang kaniyang bayan at binigyan sila ng pagkain.”
—Ruth 1:6

Piniling Kasulatan:
Ruth 1:8-18

Nuong mga panahon ng mga Hukom, si Elimelec, Naomi, at ang kanilang mga anak na sina Malon at Chilion ay umalis sa Bethlehem ng Juda at naglakbay patunong Moab upang humanap ng kabuhayan sapagkat may matiniding kahirapan sa dati nilang tinitirahan. Hindi ito matalinong desisyon. Sa halip na manirahan sa isang komunidad ng kapwa niya Israelita sa ibang parte ng Israel kung saan baka may mahahanap silang mas maiging kalagayan, nilabag ni Elimelec ang nauna nang tagubilin ng Diyos. Ang sabi ng tagubilin: “Ang isang Amonita o Moabita ay hindi maaaring pumasok sa kapulungan ni Jehova; hanggang sa ikasampung salinlahi ay wala sa kanilang maaaring pumasok sa kapulungan ni Jehova magpakailanman. Huwag mong hanapin ang kanilang kapayapaan o ang kanilang pag-unlad sa lahat ng iyong mga araw magpakailanman.”—Deuteronomio 23:3, 6

Habang ang kanilang pamilya ay nasa Moab, namatay si Elimelec. Ang kanyang mga anak ay nag-asawa ng mga Moabitang babae, at pagkalipas ng sampung taon, si Malon at Chilion ay namatay rin kaya si Naomi na lamang ang natira. Ang naging kasama na lamang ni Naomi ay ang dalawa niyang manugang na sina Orpa at Ruth.—Ruth 1:3-5.

Pinakita ng ating Susing Teksto ang habag ng Diyos, at sa wakas, ang tagutom ay naalis na rin sa Judah at si Naomi ay nagpasayang bumalik na lamang na mag-isa sa Juda. Ang dalawa niyang manugang ay ayaw siyang iwanan. Sa tingin ni Orpa, ang sinabi ni Naomi ay isang pagpapakita ng magandang asal; subalit ang tugon ni Ruth ay mas tunay. Iminungakahi muli ni Naomi na iwanan na lamang nila siya at sinabihan silang magsipag-asawang muli at magkakaroon ng mga anak habang mga bata pa. Sa kaniyang kalagayan, hindi na siya maaaring mag-asawa pang muli at magkaanak dahil siya ay matanda na. Sumang-ayon si Orpa sa payo ni Naomi at bumalik sa kaniyang pamilya at sa kanilang mga diyus-diyosan, subalit si Ruth ay sumumpa ng katapatan at gumamit ng pinakamagandang pananalita ng pag-ibig na hindi pa naitala sa anumang aklat kailanman. Nangako siya na kahit sa anumang kalagayan, hinding-hindi niya iiwanan si Naomi. Ito ang kanyang sinabi: “Huwag mo akong pakiusapan na kita’y iiwan, o talikuran ko na ang pagsunod sa iyo! Kung saan ka pupunta ay doon ako pupunta; kung saan ka titira ay doon ako maninirahan; ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay magiging aking Diyos. Kung saan ka mamatay ay doon ako mamatay, at doon ako ililibing.”—Ruth 1:10-17

Pagbalik ni Naomi sa Bethlehem kasama ni Ruth, ang mga naninirahan sa siyudad ay natuwa nang Makita siyang muli at binate nila siya at tinawag siya sa kanyang pangalan. Tumugon siya at nagsabing huwag na siyang tawaging Naomi, na ang kahulugan ay “kagalakan,” kundi Mara na lamang, na ang ibig sabihin ay “mapait,” sapagkat siya ay pinakitunguhan nang may kapaitan ng Makapangyarihan sa Lahat dahil sa kaniyang pagtira sa Moab. Pinaliwanag niya na siya ay umalis kasama ang kanyang asawa at dalawang anak matagal nang mga taon ang nakalipas, sulbait ngayon siya ay walang-wala na, nag-iisa.—Ruth 1:19-21

Ang isang mahalagang aral na makukuha natin sa salaysay na ito ay ang kahalagahan ng pagiging positbo kapag gumagawa ng isang desiyon. Determinado si Ruth na siya ay gumagawa ng matibay na desisyon na magpunta sa Juda kasama ang kanyang biyenan at magpakomberti sa Judaismo. Malinaw na mapuwersiya ang mga patotoo na kanyang narinig may kinalaman sa kapangyarihan, karunungan, katarungan at pag-ibig ng Manlalalang kung kaya’t handa niyang iwanan ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa dati niyang buhay sa Moab at yakapin ang mga pangako na binigay sa Israel—ang bayan ng Diyos.—Amos 3:2

Sa panahon ng kanyang makalupang ministeryo, inilatag ni Cristo ang mga kinakailangang mga bagay sa pagtakwil sa sarili at pagpasan ng krus para sa lahat na nagnanais na maging mga desipulo niya. (Lucas 9:23, 24) Sa pagsunod natin sa ating Maestro gayahin natin ang pinakita ni Ruth nang siya ay nagdesiyon na iwanan ang Moab at sumama kay Naomi pabalik sa Judea dahil sa kanyang pagnanais na maglingkod sa Diyos ng Israel.



Dawn Bible Students Association